|
|
1. Ang tunay na batayan ng aking karunungan, kaalaman at katotohanan ay ang sarili kong pamantayan at paninidigan na maaari kong isama at dalhin hanggang sa aking huling hantungan. 2. Nang ang Diyos Ama ay aking makilala, ang buhay ko ay naging masaya at ang mga gawain ko ay naging dalisay at malinis dahil natutunan kong iwasan ang galit at inis. 3. Nang ang Diyos Ama ay aking makasama, ang aking kaisipan ay napuno ng kapayapaan dahil sa aking pagpahalaga sa sa tunay na kahulugan ng katahimikan. Dahil sa Kanya, ang puso ko ay lalong naging mapagmahal sapagkat naranasan ko at naiintindihan ang buhay ng isang hangal na banal. 4. Nalaman ko na ang tunay na kahulugan ng kapangyarihan ay wala sa yaman, karangalan at katungkulan. Sa totoo, ito ay nasa aking matagumpay na pakipaglaban sa aking sariling kayabangan at kahinaan. 5. Kung ano ang mga hindi ko gusto sa mga ginawa at itinuro ng mga magulang ko noon, hindi ko dapat ituro at gawin sa mga anak ko ngayon. 6. Ang tunay na sukatan ng aking tagumpay ay wala sa kung “ano” at dami ang meron ako sa tulay, kung hindi ay “sino” ang mahalaga sa aking buhay at kasama ko sa bahay. 7. Ang tunay na bayani ay hindi nasusukat sa dami ng kanyang nagawa at ani kung hindi ay sa kanyang pagpapahalaga sa kanyang kapwa at tiwala nya sa kanyang sarili. 8. Isang Panawagan sa ating Pamahalaan. “ Huwag nating pahirapan ang mga mayayaman, imbis ay tulungan na lang natin ang mga mahihirap na yumaman sa kasalukuyan nilang katayuan at kinalalagyan. 9. Ang sagot sa aking mga problema ay nakikita ko sa damay ni Nanay at Tatay, hindi sa aking mga kaibigan at barkada na puro na lang lagay at tagay. 10. Ang tunay na galak ay hindi nanggagaling sa pilak at alak. 11. Sa taong lasenggo, laging kwadrado ang mundo. 12. SIGARILYO - Usok mo, lunukin mo. Kung ikaw ay mapilit na humithit, lumabas ka ng bahay nyo para hindi madamay ang mga anak mo. 13. Ang tunay na kagandahang pangkalooban ay nasa “belo” sa ulo, wala sa klinika ni Doktora Vicky Belo. 14. PABOR – Para sa Akin Basta Okay, Roar. 15. Kadalisayan ng Kaisipan, Salita, Gawa, Relasyon at Koneksyon. 16. Ang tao, kahit mayaman at maraming hakot, pag minsan ay malungkot pa rin at takot. Samatalang ang isang mahirap at salat, kahit hindi sagana ay masaya pa rin at maligaya. Yan ang tunay na kahulugan, kahalagahan at kagandahan ng Karma. 17. Ang taong natuto sa kanynag pinangalingan na hindi marunong masaktan sa kanyang nakaraan ay makakaranas ng kaligayahan at kapayapaan sa kanyang kasalukuyan at makakarating ng maaaliwalas sa kanyang paroroonan. 18. Ang tunay na pamantayan ng maganda at maunlad na ekonomiya ay kung ang bansa at mamamayan ay masaya at mapayapa kahit ang pera ay sapat lang at tamang tama. 19. Kapag tumilaok and manok, sigurado, may puputok sa isang sulok na tatsulok. 20. Ang taong natuto sa kanynag pinangalingan na hindi marunong masaktan sa kanyang nakaraan ay makakaranas ng kaligayahan at kapayapaan sa kanyang kasalukuyan at makakarating ng maaaliwalas sa kanyang paroroonan. 21. Ang tunay na pamantayan ng maganda at maunlad na ekonomiya ay kung ang bansa at mamamayan ay masaya at mapayapa kahit ang pera ay sapat lang at tamang tama. 22. Kapag tumilaok and manok, sigurado, may puputok sa isang sulok na tatsulok.
|
|
His Journey to success started When he left the wrong path “What made our start-up business challenging when six men tied us, ransacked our house and took everything including all our savings and collection for the week. This happened barely four days after I tendered my irrevocable resignation from the company I used to work with” |
|
JUANISIMUS (KASABIHAN NI JUAN) "Faith is when you float with trust in the self, flow with God’s directions and fly with wings of love and peace.” To make myself and others Happy is my best Policy and to make myself and others Peaceful is my best Principle in life. |
|